Pinabulaanan ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may sakit itong kanser sa lalamunan.
Sagot ito ng kampo ng Alkalde makaraang kumalat sa social media na ang pagkakaroon umano nito ng throat cancer ang dahilan kaya’t hindi na ito tutuloy sa kandidatura sa susunod na taon.
Ayon kay Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte, malinaw na pamumulitika lamang ang nasa likod ng ulat.
Ngunit ayon naman sa report ng pahayagang Inquirer, may 2 tauhan umano si Duterte na nagsabing minsan nang na-diagnose sa sakit na Burger’s disease ang alkalde may 20 taon na ang nakalilipas.
Ang Burger’s disease ay isang pambihirang impeksyon sa lalamunan na karaniwang nakukuha sa labis na paninigarilyo.
By: Jaymark Dagala