Walang plano ang Malacañang na panghimasukan ang mga kandidatong gagamit sa issue ng federalismo sa sandaling magsimula ang kampanya para sa midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, desisyon na ng mga kandidato kung ano sa tingin nila ang interes na nais talakayin ng mga botante.
Wala naman anyang control ang Duterte administration kung anong usapin ang nais ilahad ng mga kandidato sa mga botante sa oras na lumarga na ang campaign period.
Iginiit ni Panelo na walang masama kung gamitin man o hindi ang issue ng federalismo ng mga tumatakbo sa halalan dahil mayroon namang kanya-kanyang plataporma at istratehiya ang mga ito upang makuha ang atensyon ng mga botante.
—-