Kamakailan lamang ay naaprubahan na sa House Justice Committee ang House Bill 505 na nagpapababa sa edad ng criminal liability, siyam (9) mula sa labinlima (15) sa kabila ng pagtutol ng iba’t ibang children’s rights advocate maging ng United Nations.
Ano nga ba ang nilalaman ng panukalang ito? Narito ang mga highlight:
- Ang HB 505 ay naglalayong ibaba ang edad ng may criminal liability mula edad 15 pababa sa 9 taong gulang.
- Ang mga batang nasa edad siyam (9) hanggang labinlimang (15) gulang na nakagawa ng mga malalang krimen katulad ng murder, parricide, infanticide, serious illegal detention, carnapping at violation sa dangerous drugs law, ay dadalhin sa Bahay Pag-Asa para sa rehabilitasyon.
- Ang exploiter o taga-udyok ay haharap sa labindalawa (12) hanggang dalawampung (20) taong pagkakakulong kapag ang krimeng nagawa ng bata ay may karampatang parusa na aabot sa anim na taong pagkakabilanggo.
- Kung ang krimeng ginawa naman ng bata ay may karampatang parusa na aabot sa higit anim na taon, ang exploiter o taga-udyok sa bata ay maaring humarap sa habangbuhay na pagkakabilanggo o 40 taon na pagkakakulong.
- Kailangan dumaan sa intervention program sa bahay pag-asa ang mga magulang at kung hindi, sila ay makukulong.
- Ang penalty ng bata ay mababa kumapara sa matanda, pero kung ang krimen na nagawa ng bata ay may karampatang parusa na habangbuhay na pagkakakulong, siya ay mabibilanggo ng labindalawang (12) taon.
- Kapag ang bata ay labingwalong (18) taong gulang na at hindi pa tumino, siya ay ipadadala sa mga agricultural camps o training centers. Pagsapit ng 25 taong gulang, siya ay palalayain kahit hindi pa natatapos ang sentensya. ang mga camps na ito ay nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
- Lahat ng mga records o tala ng mga batang nahuli ay mananatiling kumpidensyal.
- Ang pangangasiwa ng Bahay Pag-Asa ay ililipat sa mga ahensya ng lokal na pamahalaan at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
- Ang Kongreso ay magbibigay ng pondo sa Bahay Pag-Asa kada taon.
(Edited by: Jun Del Rosario)