Binuweltahan ng Malakanyang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III matapos itong magpahayag ng pagkabahala sa umano’y dumaraming chinese workers sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung nababahala si aquino ay mas lalong naalarma ang Malakanyang.
Gayunman, sinabi ni Panelo na wala silang nakikitang problema kung legal ang pagtatrabaho ng mga Chinese workers sa bansa.
Posible rin aniya kasing nagkukulang na ang mga construction worker sa Pilipinas dahil karamihan sa mga ito ay pinipiling mangibang bansa.
Kasabay nito, ipinabatid ni Panelo na kaniyang inatasan na si Tesda Chief Isidro Lapeña na dagdagan pa ang pagbibigay ng training sa mga skilled workers at dagdagan pa ang pagtatayo ng mga eskwelahan.