Patay ang pitong minero matapos matabunan ng lupa ang kanilang bunkhouse sa Mount Manhupaw sa municipal border ng Santiago at Jabonga sa Agusan del Norte.
Ayon kay Chief Supt. Gilberto Cruz ng Agusan del Norte Police Provincial Office apat na katawan pa lamang ang narerekober sa pinangyarihan ng insidente.
Kasalukuyang pinaghahanap pa umano ang tatlo pang nawawalang mga biktima.
Kinilala naman ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Rene Gan-Ungunlligan, Ramil Naño Iligan, Casiano Tagunsulod Iligan, Rex Penig, Tata Salasay, Jay-Ay Matanog, at isang kilala sa tawag Na Gang-Gang na pawang mga residente ng Surigao del Sur.
Nabatid na nuong isang linggo pa nasa lugar ang mga minero para sa isang treasure hunting activity.