Niratipikahan na ng Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) ang Bagsamoro Organic Law o (BOL).
Ito ay batay sa statement of votes (SOV) ng mga probinsyang sakop ng ARMM.
Lumabas sa SOV na pirmado ng ARMM Regional Plebiscite Board of Canvassers ang mahigit isang milyong boto para sa “yes” habang halos 200,000 naman ang para sa “no”.
Ito ay resulta ng mga boto mula sa Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.
Isinusulong ng BOL ang pagbuo ng autonomous political entity na Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa kasalukuyang ARMM.
Nuong july 26, 2018 nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang BOL ngunit kinakailangan pang dumaan ito sa plebisito.