Nangako ang social media giant na Facebook na kanilang paiigtingin ang pagsisikap para proteksyonan ang integridad ng gaganaping midterm elections sa bansa.
Ayon sa kay Facebook Director for Global Politics and Government Outreach Katie Harbath, nakikipag-ugnayan na sila sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang organisasyon para matulungang ma-detect at maiwasan ang pag-abuso sa pag-gamit ng Facebook.
Layon aniya ng Facebook na hindi maaberya ang eleksyon sa kanilang platform at mapadali ang pagpapahayag ng mga tao ng kanilang saloobin.
Kabilang sa pagsisikapang bantayan ng Facebook ay ang pagpapakalat ng maling impormasyon, misrepresentation, foreign interference, harrassment at pagbabanta na posibleng makaapekto sa integridad ng eleksyon.
Kinilala naman ng Comelec ang pagsisikap na ito ng naturang social media company lalo’t pinapatas nito ang laban sa mga kandidato at binibigyan ng access ang mga botante para mas makilala pa kanilang mga pipiliing lider.