Sumalag si Health Secretary Janet Garin sa mga batikos ng ilang kritiko hinggil sa pagpapalabas ng media ads ng ahensya.
Ito’y makaraang magbiro si dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na posibleng kunin nito si Garin bilang katandem sa 2016 elections at tawagin itong Mar-Garin.
Giit ng kalihim, walang kinalaman sa anumang usaping pulitikal ang mga inilalabas na media ads ng kagawaran
Aniya, kanila lamang sinusunod ang mga pinasok na kontrata ng Department of Health na kaniya nang dinatnan mula nang maupo sa puwesto bilang kalihim.
Binigyang diin pa ni Garin, kuntento na siya sa kaniyang trabaho at wala siyang planong tumakbo sa anumang pusisyon maging senador man o ibang puwesto.
By: Jaymark Dagala