Magpapatupad ng signal jamming ang mga otoridad kasabay ng Dinagyang Festival.
Batay sa ipinalabas na abiso ng National Telecommunication Commission (NTC), epektibo ang signal jamming simula Enero 26 hanggang 27 mula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Layon ng naturang hakbang na matiyak ang seguridad ng lahat ng mga kalahok at manunuod sa Dinagyang Festival.
Sakop ng signal jamming ang mga lugar sa Iloilo City partikular sa limang judging areas.