Pagkakaroon ng access para sa de kalidad na edukasyon.
Ito ang nakikita ng Department of Education (DepEd) na paraan upang mailayo sa masasamang gawain ang mga kabataan.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, ang mga batang wala sa paaralan ang kalimitang madaling nalilihis ng landas.
“Karapatan po lahat ng batang Pilipino na magkaroon ng access at de kalidad na edukasyon. Ayan po ang trabaho ng DepEd at iyan din po ang aming sagot, di ba mayroon tayo na issue bakit ibababa ang edad ng bata para siya ang maging liable criminally. Ang isa nga natin nakikita is – pag ang bata talaga ay wala sa eskuwelahan at naiimpluwensyahan ng hindi tama doon talaga mapupunta sa maling direksyon.” Pahayag ni Usec. Sevilla
Ang pahayag ni Sevilla ay kasunod ng mga panukalang babaan ang criminal liability ng mga bata sa edad na nuebe ngunit dahil sa mga mariing pagtutol ay itinaas ito sa dose anyos.