Aatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units lalo na ang mga nasa probinsya at highly-urbanized cities na magtayo ng kanilang reform centers o “Bahay Pag-asa” para sa mga children in conflict with the law (CICL).
Ito ang tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año sa isinagawang Senate hearing kaugnay ng panukalang batas na nagpapababa sa edad ng criminal liability.
Ayon kay Año, ang pondo para sa mga itatayong pasilidad ay huhugutin mula sa local government support fund habang magkakaroon ng karagdagang budget para naman sa operasyon ng tinatayang higit isang daang Bahay Pag-Asa centers kung saan ang 58 rito ay operational na sa kasalukuyan.