Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bibili ang Pilipinas ng mga karagdagang missile mula Israel.
Ayon kay Lorenzana, bibili ang Department of National Defense ng surface-to-air python and derby o spyder mobile-air defense system mula sa Israeli defense technology firm na Rafael advanced defense systems.
Gayunman, hindi pa matiyak ng kalihim kung gaano karaming missile launchers ang i-a-acquire ng gobyerno.
Ang spyder ay isang uri ng short at medium range mobile air defense system na may kakayahang mag-intercept at sugpuin ang mga airborne threat.