Kinumpirma ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol na kulang na rin ang suplay ng galunggong sa naturang rehiyon.
Dahil dito ay tumaas na rin ang presyo nito.
Batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ng mahigit limang porsyento ang produksiyon ng naturang isda dahil sa nakaraang mga kalamidad.
Gayunman, posible rin umanong dahilan ng kakulangan ng suplay ay ang overfishing habang hindi pa fishing season na may malaking epekto sa produksiyon ng galunggong.