Muling binalaan ng United Kingdom ang kanilang mga mamamayan laban sa pagbiyahe sa ilang lugar sa Mindanao.
Kasunod ito ng nangyaring kambal na pagsabog sa Cathedral sa Jolo Sulu na ikinasawi ng hindi bababa sa labing walo (18) katao.
Sa travel advisory ng Britain’s Foreign and Commonwealth Office, kanilang pina-iiwas ang kanilang mga mamamayan sa pagbiyahe sa Western, Central Mindanao at Sulu archipelago.
Bunsod anila ito sa banta ng terorismo at bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng grupo sa mga nabanggit na lugar.
Bukod sa Mindanao, pinag-iingat din nila ang kanilang mga kababayan sa pagbiyahe sa katimugang Cebu kabilang na ang Dalaguete at Badian.
—-