Kinansela ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagpunta nito sa Metro Manila simula bukas, September 14 hanggang sa Miyerkules, September 16.
Ito ang kinumpirma ni Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte.
Hindi naman binanggit ni Laviña ang dahilan kung bakit nagdesisyon si duterte na kanselahin ang kanyang scheduled appearances sa Metro Manila.
Kabilang sana sa mga nakaiskedyul na daluhan ng alkalde ang pakikipagpulong sa mga traders at vendors sa Divisoria, Manila Overseas Press Club, taxi at jeepney drivers sa Quirino grandstand, urban poor sa dagat-dagatan sa Caloocan at ang campus tour sa Mandaluyong.
By: Meann Tanbio