Nagkasundo ang bicameral conference committee sa 2019 national budget na gawing priority muli ang ilang bahagi ng panukalang pondo na itinuturing ng Senado na institutional amendment at hindi pork barrel funds.
Pansamantalang itinakda ng Senate-House Bicam na i-reprioritize ang P50 billion mula sa kabuuang panukalang 2019 national budget na P3.8 trillion.
Nakatakdang konsultahin ng bicam ang kanilang mga miyembro kung sapat na ang halaga para mapondohan ang kahilingan ng mga ahensya ng gobyerno.
Binigyang diin ni Senate finance committee chair Loren Legarda na hindi niya ikinukunsider na pork barrel ang pondo bastat hiniling ito ng isang government agency.
Tinawag namang insertion of the institution ni House appropriations chair Rolando Andaya na ang P50 billion na pondo.