Isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) na mabigyan din ng exposure ang mga hindi sikat na personalidad na nasa listahan ng mga senatoriable para sa May 2019 elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, halos 70 mga bagong senatoriables ang bagama’t hindi kasing yaman ng mga sikat na kandidato ay napatunayan nila ang kanilang kakayahang mangampanya.
Sinabi ni Jimenez na dapat ding mapansin ng taunbayan ang mga bagong pangalan dahil posibleng manggaling dito ang isang magaling na opisyal.
Magugunitang inihayag ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon na nais niyang bigyan ng libreng exposure sa media ang mga kandidatong walang pera para ipambayad sa mga political advertisement.
—-