Hiniling ng human rights group na Karapatan sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang pagpatay sa mga lumad.
Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, dapat na makialam ang U.N. sa naturang usapin at mapanagot ang tunay na maysala sa pang-aagrabyado sa mga lumad.
Nito lamang Setyembre 1, pinatay ang lumad school head at dalawang manobo leaders sa Lianga, Surigao del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Emerito Samarca, Executive Director ng Lumad School Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development (ALCADEV); Manobo leader Dionel Campos; at Aurelio Sinzo.
Hinala ng grupong Karapatan, ang paramilitary group na Mahagat-Bagani ang nasa likod ng pagpatay sa mga lumad.
By: Meann Tanbio