Inihain sa Department of Justice (DOJ) ang ika-tatlumput dalawang kaso kaugnay sa kontrobersyal na dengvaxia.
Ang kasong kriminal ay isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) laban kina dating Health Secretary Janet Garin at iba pang kasalukuyan at dating opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.
Nagsilbing complainant ang mag asawang Gerardo at Marissa de Luna ng Padre Burgos, Quezon na namatayan ng anak na si Zarah Mae nuong November 2017 matapos maturukan ng dengvaxia.
Ang paghahain ng nasabing kaso ay sinabayan ng kilos protesta ng iba pang magulang na humihingi rin ng hustisya para sa mga nabiktima ng dengvaxia.