Mas mataas na sweldo ang naghihintay sa mga nurse na makapagtatrabaho sa Germany ngayong taon.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), inanunsyo ng German government na magkakaroon ng 100 euros na wage adjustment para sa mga nurses na papasok sa ilalim ng triple win program ng gobyerno ng Pilipinas at Germany.
Ang mga nurse na nakapirma na ng employment contract simula nuong Enero 1, 2019 ay makatatanggap ng 2,000 euros o katumbas ng P120,000 bago sila kilalanin bilang kwalipikadong nurse sa Germany.
Habang 2,400 euros naman o katumbas ng mahigit P143,000 kapag sila kinilala na bilang kwalipikadong nurse sa naturang bansa.
Ang dating minimum wage rates para sa mga nurse sa Germany ay 1,900 euros at 2,300 euros
Kaugnay nito, patuloy na pinupunan ng POEA ang apatnaraang mga posisyon sa pagka-nurse na kinakailangan ng naturang bansa.