Mayroong dagdag na P1,000 ang pensiyong matatanggap ng mga retirado at persons with disability (PWD) mula sa Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon sa GSIS Presdient Jesus Clint Aranas, target na mailabas sa susunod na buwan hanggang sa marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension mula sa 5,000 ay magiging P6,000 na.
Ipinagmalaki naman ni Aranas na walang epekto sa kanilang pondo ang magiging taas sa pensiyon at inaasahang aabot pa ng higit na 40 taon ang kanilang pondo.
Gayunman, sinabi ni Aranas na kung lulusot sa Kongreso ang panukalang batas na magbababa sa retirement age sa 60 mula sa 65 ay posible umanong umikli ang buhay ng pondo ng GSIS.