Ibinabala ng minorya sa Kamara ang posibilidad na hindi matuloy ang may elections.
Ito ayon kay COOP NATCCO Party list Representative Anthony Bravo ay kapag hindi naipasa ang panukalang 2019 national budget dahil walang budgety para sa nasabing eleksyon.
Sinabi ni Bravo na maaaring hindi sapat ang anumang savings na posibleng mayruon ang Commission on Elections (Comelec) sa kanilang alokasyon nuong nakalipas na taon.
Malabo rin aniyang maipasa ang supplemental budget para sa eleksyon sa Mayo dahil hindi pa na aaprubahan ang 2019 General Appropriations Bill (GAB).
Bukod sa halalan, inihayag ni Bravo na apektado rin ng reenacted budget ang mga proyekto ng pamahalaan na nakatakdang ipatupad ngayong taon.