Ilang araw na kanselado ang klase sa Baguio City dahil sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival at Chinese New Year.
Bukas, February 1, suspendido ang klase sa Baguio City para makadalo ang mga estudyante sa pagbubukas ng Panagbenga o flower festival ng lungsod.
Ipinag-utos din ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang suspensyon ng klase sa February 6, Miyerkoles para naman sa selebrasyon ng Chinese New Year matapos ang February 5 na deklaradong special non-working holiday sa buong bansa dahil din sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
March 2 muli ay suspendido ang klase sa Baguio City para naman sa grand street dancing parade na huling bahagi na ng Panagbenga festival.
—-