Nanawagan ang mga obispo sa publiko na bantayan ang posibleng pagtatangka na pigilan ang eleksyon sa Mayo.
Inilabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang panawagan matapos ang kanilang plenary assembly.
Ayon sa statement ng mga obispo, dapat subaybayan ng publiko ang takbo ng ipinasang panukala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagpapalit ng konstitusyon tungo sa federalismong sistema ng pamahalaan.
Partikular na dapat anilang bantayan ang nakasaad doon na walang mangyayaring eleksyon ngayong 2019, pagtanggal sa term limits at patuloy na pamamayagpag ng mga dinastiya.
—-