Ipinagtanggol ni Manila Mayor Joseph Estrada si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa mga nagsasabing ang MMDA ang dahilan ng malalang trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Erap, dapat pa nga raw purihin si Tolentino dahil sa umanoy pagiging mahusay na lider nito.
Giit ng alkalde, kahit gaaano pa kagaling si Tolentino o kahit ano pang husay ng mga traffic constables ng MMDA, hindi agad-agad mareresolba ang problema sa trapiko.
Anya, patuloy ang pagdami ng bilang ng mga sasakyan subalit wala namang karagdagang kalye o imprastraktura.
Si Tolentino ang sinisisi at patuloy na binabatikos ng publiko partikular na ng mga netizen dahil sa malalang kondisyon ng trapiko sa kalakhang Maynila lalo na sa EDSA. Sa ngayon, ang Philippine National Police-Highway Patrol Group na ang nangangasiwa ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
By: Jonathan Andal