Kinansela na ng Estados Unidos ang kanilang nuclear arms treaty sa pagitan nila ng Russia.
Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, bunsod ito ng maraming paglabag na ginagawa ng Russia.
Sinabi ng opisyal na binigyan nila ng sapat ng panahon ang Russia ngunit patuloy aniya ang pagbalewala nito.
Iginiit ng Amerika na dahil sa ginagawa ng Russia ay nalalagay sa panganib ang maraming bansa.