Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nag-iimpok sa bangko.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 6.8 percent o katumbas ng 57.1 million ang bilang ng deposit accounts sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa 53.5 million accounts na naitala nuong 2016.
Paliwanag ng BSP, bunga ito ng patuloy na paghikayat ng ahensya sa publiko na mag-impok sa mga bangko.