Hindi lamang ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang dapat na aktibo sa pagbabantay laban sa banta ng terorismo kundi maging ang mga local government units o LGUs.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga City.
Pahayag ni Galvez, hindi lang dapat na iasa sa pambansang pulisya at militar ang pagmomonitor sa mga masasamang elemento na nais maghasik ng kaguluhan, bagkus kailangan rin ang maging suporta at pagiging pro-active dito ng mga lokal na opisyal at mkaging ng publiko.
Sa ngayon kasi aniya, gumagamit narin ng mga makabagong teknolohiya ang mga terorista kayat napapasok ng mga ito, maging ang mga mauunlad na bansa sa mundo.
Hinimok naman ni Galvez ang mga residente ng Mindanao na mag-move on na sa malagim na pangyayari at magpatuloy lamang sa normal na pamumuhay kasabay ng panawagan na maging alerto at mapagbantay sa kapaligiran.
Wala naman aniyang kinalaman sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law ang nangyaring magkahiwalay na blast incident sa Mindanao.