Itinuturing ng mga kabataan na isang inspirasyon si Miss Universe Vietnam H’hen Nie sa matapos itong bumisita at maging guest speaker sa Francis Padua Papica Foundation Inc. youth congress sa Camarines Sur.
Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ang 26-year old na dayuhang beauty queen makaraang rumampa at magsalita ito sa entablado.
Labis naman ang pasasalamat ng mga estudyante na dumalo sa aktibidad dahil nabigyan daw sila ng pagkakataong marinig ng personal ang nakakabilib na kwento ng beauty queen.
Naging inspirado raw ang mga estudyante na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay dahil sa narinig nilang nakakabilib na mga kwento sa buhay ni H’hen at maging ng iba pang mga naging guest speaker.