Tumaas sa tatlumpu’t walo ang bilang ng political killings na ikinu-kunsiderang homicide cases noong 2018 kumpara sa labingsiyam na kaso noong 2017.
Ito ang inilaba na datos ng Philippine National Police, mahigit isang linggo bago ang pagsisimula ng campaign period ng mga senatorial at partylist candidate.
Kabilang sa naitala ang mga kaso nina General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote; Trece Martires City, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan na kapwa pinatay noong Hulyo; Buenavista Bohol Mayor Ronald Tirol noong Mayo; Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab noong Pebrero, 2018 at pinaka-huli ang pagpatay kay AKO Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe na binaril noong disyembre sa daraga, albay kung saan tumatakbo siya sa pagka-alkalde.
Ipinaliwanag ni PNP spokesman, Senior Supt. Bernard Banac na karaniwang tumataas ang kaso ng political killings sa sandaling magsimula ang election period.
Ito aniya ang dahilan kaya’t ipinatutupad ng PNP ang mas mahigpit na security measures ngayong election period sa pamamagitan ng Comelec checkpoints.