Isang barkong kargado ng mga tangke ng liquefied petroleum gas o LPG ang nasunog habang nakadaong sa Petron private wharf sa Baliwasan, Zamboanga City.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman, Capt. Armand bAlilo, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw na sinundan ng pagliyab ng ML-NS Express.
Agad aniya nilang naapula ang sunog katuwan ang Bureau of Fire Protection (BFP) at mga volunteer group.
Walang nasaktan sa insidente habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagsabog.
—-