Hindi pa maituturing na paglabag ang pagpapalabas sa telebisyon o maging sa pelikula ng talambuhay ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections.
Ito ang nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) kasunod na rin ng ilang palabas sa telebisyon na nagtatampok ng kuwento ng buhay ng mga kandidato.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa sakop ng RA 9006 o Fair Elections Act ang mga ipinalalabas na pelikula o serye sa telebisyon na nagtatampok ng talambuhay ng mga kandidato.
Pagliwanag ni Jimenez, ito ay dahil sa Pebrero 13 pa magsisimula ang campaign period para sa mga kandidato sa national positions.
—-