Handang handa na si Senador Manny Pacquiao na makipag tuos sa iba pang malalaking pangalan sa welterweight division sakaling hindi umubra si Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni Pacman na interesado siyang makalaban sa ibabaw ng boxing ring ang mga kapwa kampeon sa 147 pound limit tulad nina Errol Spence, Jr., Mikey Garcia at Shawn Porter.
Kasama rin aniya sa kinukunsider niya ang wala pang talo na si Keith Thurman na may hawak ng WBA super welterweight title at una naring naghamon sa peoples champion.
Una nang inihayag ni Pacman na bukas siyang harapin ang sinumang mapipili ng kaniyang promoters.