Lima ang sugatan habang mahigit 600 pamilya o halos 3,000 katao ang nawalan ng bahay sa sunog sa Barangay Ermita, Cebu City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, dakong ala 1:00 ng hapon nang magsimulang kumalat ang apoy sa tinatayang 300 kabahayan sa Sitio Bato, Pig Vendor at Castilaan.
Umabot ito sa general alarm kaya’t kinailangan na ng tulong ng mga bumbero mula sa mga karatig lungsod at bayan bago maapula mag-a-alas 4:00.
Umabot naman sa tatlong milyong pisong halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy.