Abswelto at hindi pinakakasuhan ng dalawang komite ng kongreso si dating customs chief Isidro Lapeña kaugnay sa pagkakasangkot nito sa bilyong pisong illegal drugs shipment noong nakaraang taon.
Batay sa committee report na inilabas ng Dangerous Drugs at Good Government and Public Accountability, inaprubahan nito na huwag kasuhan si Lapeña matapos hindi kakitaan ito ng pagkakaroon ng pananagutan sa naturang shipment.
Sa halip ay inirekomenda nitong imbestigahan sina dating customs intelligence officers Jimmy Guban, dating police sr. supt. Eduardo Acierto at dating dep. director Ismael Fajardo.
Bukod dito, nakasaad din sa commitee report na dapat umanong kasuhan ang may-ari ng mga sasakyan na ginamit para makapasok sa warehouse sa Cavite kung saan natagpuan ang magnetic lifters.
(with report from Jill Resontoc)