Target ng Department of Tourism (DOT) na makahikayat ng mahigit sa walong (8) milyong turista ngayong taon.
Kumpisyansa si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mabilis lamang nilang maaabot ang target na bilang ng mga turista ngayong taon dahil halos taon-taon naman aniyang tumataas ng labing limang (15) porsyento ang pagdating ng mga turista.
Pinuna ni Puyat na tumaas ng halos pitong porsyento ang bilang ng mga bumisitang turista sa bansa kahit sa mga panahong sarado ang Boracay Island.
Itinuturing aniya nila itong blessing in disguise dahil natuklasan ng maraming turista na hindi lamang ang Boracay ang mala-paraisong tourist destination sa Pilipinas.
—-