Sesertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo upang mapabilis aniya ang pag-usad ng naturang panukala sa Kongreso.
Posible aniyang nakarating sa pangulo ang mga reklamong hinggil sa pensyon ng mga militar at uniformed personnel kaya’t agad itong inaksyunan.
Sa ilalim ng panukala, makakatanggap ng pension payment ang isang retiree kung ito ay sumapit na sa edad na 60.
Edad 56 ang mandatory retirement age na itinakda ng batas para sa mga police at military service.