Hindi dumalo sa pagdinig ng House Appropriations Committee si Budget Secretary Benjamin Diokno.
Sa kabila ito ng subpoena na ipinadala sa kanya ng komite para dumalo sa pagdinig at sagutin ang mga isyung may kinalaman sa di umano’y budget insertions sa panukalang 2019 national budget.
Sa kanyang liham kay House Speaker Gloria Arroyo, hiniling ni Diokno na itakda sa ibang araw ang pagdinig ng komite.
Sinabi ni Diokno na karapatan naman niya at ng iba pang opisyal ng Department of Budget na mabigyan ng proper notice at patas na pagdinig.
DBM Sec.Diokno no show sa hearing ng House Appro.Committee kahit may subpoena sa kanya @dwiz882pic.twitter.com/dOHd6DS1QJ
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) February 8, 2019
Andaya nagsabi i-cite in contempt ng House https://t.co/H0hkMO4J2T Diokno dahil hindi dumalo sa hearing,pero hindi naman pinagbobotohan ng Committee ang banta @dwiz882
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) February 8, 2019
Diokno, nag-alok umano ng pera sa mga kongresista upang manahimik sa isyu
Apatnapung bilyong piso (P40 billion) ang di umano’y alok ng kampo ni Budget Secretary Benjamin Diokno para matigil na ang pagkuwestyon sa di umano’y budget insertions sa panukalang budget.
Ibinunyag ito ni Cong. Rolando Andaya Jr, Chairman ng House Committee on Appropriations matapos mabigo si Diokno na dumalo sa pagdinig ng komite.
Ayon kay Andaya, isang kaibigan nila ni Diokno ang lumapit sa kanya at inalok ng apatnapung bilyong piso (P40 billion) para sa lahat ng kongresista para itigil na ang pagkalkal sa budget.
Sinabi ni Andaya na kukunin di umano ang pera sa savings noong 2018 na umabot sa siyamnapu’t pitong bilyong piso (P97 billion).
Ipinaliwanag ni Andaya na ito ang dahilan kaya’t hinihingi niya ang mga dokumentong may kinalaman sa 2017 at 2018 budget.
Nais aniya ng komite na malaman kung saan nagmula ang P209 billion na savings noong 2017 at ang P97 billion nitong 2018.
Una rito, nagpadala ng mensahe si Diokno hinggil sa hindi niya pagdalo sa hearing sa kabila ng ipinadala sa kanyang subpoena.