Gaganapin sa Hanoi, Vietnam ngayong buwan ang ikalawang pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Ito ang inihayag mismo ni Trump sa pamamagitan ng kanyang official twitter account.
Ayon kay Trump, naging produktibo ang resulta ng pakikipagpulong ng kanyang ipinadalawang kinatawan sa North Korea.
Napag-usapan na aniya rito na itakda sa Pebrero 27 at 28 sa Hanoi, Vietnam ang ikalawang pulong nila ni Kim.
Sinabi pa ni Trump na kanya nang inaabangan ang muling pagkikita nila ni Kim gayundin ang pag-usad na ng usapan para sa kapayapaan.