Patuloy na maninindigan si Senador JV Ejercito sa kanyang mga budget insertions sa 2019 national budget.
Ayon sa senador, institusiyonal halos ang lahat ng kanyang mga insertions o di kaya’y mga kahilingan sa kanya ng mga lokal na opisyal na lubhang nangangailangan ng suporta para sa nasasakupang lalawigan.
Hindi rin aniya siya kabilang sa sinasabi ni Senador Panfilo Lacson sa umano’y P75 billion budget insertion sa DPWH o Department of Public Works and Highways na karamihan ay inilako na sa mga kontratista para sa 20 porsyentong komisyon.