Hindi pipigilan ng Palasyo si Public Attorney’s Office o PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta sa gagawin nitong pag-iimbestiga sa isyu ng dengue vaccine na dengvaxia.
Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng PAO na habulin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng palpak na vaccination program ng nagdaang administrasyon na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng maraming bata.
Matatandaang, nagsisihan sina Acosta at Health Sec. Francisco Duque III hinggil sa umano’y outbreak ng measles o tigdas sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.
Una nang iginiit ng PAO chief na hindi dapat na isisi sa dengvaxia ang pagdami ng mga batang dinapuan ng tigdas.