Kasado na ang inilatag na paghahanda ng NCRPO o National Capital Region Police Office para sa pormal na pagsisimula ng panahon ng kampaniya sa Martes, Pebrero 12.
Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Guillermo Eleazar, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa Metro Manila bagama’t wala namang naitalang election hotspot dito.
Layon nito na tiyaking magiging maayos at mapayapa ang darating na midterm elections sa buwan ng Mayo ngayong taon.
Inihayag din ni Eleazar, isolated case lamang ang nangyaring pagpatay kay Brgy. Bagong Silangan, Quezon City Chairwoman Criselle Beng beltran na inihatid na sa huling hantungan kahapon.
Samantala, tiniyak din ni Eleazar na sasakupin na ng kanilang pagbibigay seguridad ang pagdiriwang naman ng araw ng mga puso o valentine’s day sa ika-labing apat ng buwang ito.