Kasama na sa mga ituturo sa mga estudyante sa kindergarten hanggang grade 12 ang masamang epekto ng iligal na droga.
Ito ay matapos na bigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng DOH o Department of Health na isama sa aralin ng elementarya hanggang sa senior highschool ang PDE o Preventive Drug Education.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, sa ngayon ay inaayos na ng DepEd o Department of Education katulong ang DOH, DDB o Dangerous Drugs Board at iba pang eksperto ang gagamiting lesson plan at comprehensive supplemental materials para sa PDE.
Bukod dito, ilalarga rin ng deped ang barkada kontra droga kung saan magkakaroon ng mga curricular activities tulad ng exhibit, arts contest, seminar at counselling na layong maiiwas ang kabataan sa illegal drugs.