Mahigpit na ring ipinagbabawal ng DA o Department of Agriculture ang pag-import ng karne ng baboy at pork products mula sa Japan.
Kasunod ito ng ulat na umabot na sa naturang bansa ang African Swine Fever.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, agad niyang pinakilos ang mga quarantine officers sa mga pantalan at paliparan para harangin ang anomang produkto ng karneng baboy mula sa Japan.
Dagdag pa rito ay ang paglalagay ng foot bath sa mga port of entry gayundin ang monitoring sa mga meat prodcts na bitbit ng mga dumarating at pumapasok sa bansa.
Sa ulat ng Japan News of the Ypmiuri Shinbun, umabot na sa pitong kaso ng African Swine Flu ang naitala sa Japan mula nuong Oktubre nakaraang taon hanggang Enero ngayong taon.
Una nang nagpatupad ng import ban ang DA sa mga pork at pork products sa mga bansang positibo sa African Swine Flu kabilang ang China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Ramonia, Russia, Ukraine, Czech Republic at iba pa.
—-