Malamig ang NCCA o National Commission for Culture and Arts sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikinukunsidera nitong palitan ng maharlika ang pangalan ng bansa.
Ayon kay Rolando Borrinaga, secretary ng National Committee on historical research ng NCCA, walang magiging epekto at kabuluhan ito sa mga pilipino.
Paliwanag ni Borrinaga, nagsimula ang panukalang palitan ng republika ng maharlika ang pangalan ng Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa pag-aakalang nagkakahulugan ito ng pagiging aristocrat o may mataas na estado sa buhay.
Binigyang diin ni Borrinaga, iba ang tunay na kahulugan ng maharlika.
“Hindi talaga iyon ‘royalty’, yung maharika parang middle class yun, a political middle class na conditional na sumusunod sa datu noon pwede ring hindi. Ito ang nakalimutan na social class sa ating mga textbooks. Ang equivalent niyan sa Visayas ay ‘tumawu’ parang sila yung tumatao sa mga social functions ng mga datu.” Pahayag ni Borrinaga.