Inatasan na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang 178 city at municipal mayors na linisin ang Manila Bay maging ang mga ilog at estero sa paligid nito.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, 47 estero ang “contributor” ng polusyon sa look ng Maynila hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga karatig lalawigan ng Bulacan, Bataan, Pampanga at Cavite.
Dapat anyang tumalima ang mga alkalde sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagsasaad na ang mga local government unit ang dapat manguna sa waste segregation at disposal.
Kabilang sa mga dapat linisin ang Pasig River na dumadaloy mula sa Laguna Lake hanggang Manila Bay; Tullahan at Parañaque Rivers.