Inaasahang tatagal pa hanggang Marso ang measles outbreak.
Ito ang inihayag ng Department of Health o DOH kasunod ng patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi pa maidedeklarang “under control” ang measles outbreak.
Gayunman, target aniya nilang mabakanuhan ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan kontra tigdas, beke at rubella o German measles upang hindi na umano lumalala pa ang sitwasyon.
Batay sa tala ng DOH noong Lunes, may pitumpu (70) katao na ang naiulat na nasawi dahil sa tigdas habang pumalo na sa apatnalibo tatlong daan (4,300) ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa mula Enero.
—-