I-mo-monitor na rin ng Commission on Elections ang mga blogger o social media influencer na nagsisilbing campaign “outlets” ng mga kandidato sa May 13 midterm polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, pangungunahan niya ang 10-member team na mag-mo-monitor sa mga blog o social media post na nagsisilbing campaign propaganda tools ng mga kandidato.
Layunin anya ng hakbang ng COMELEC na matukoy kung kabilang ang mga site sa idedeklarang statement of contributions and expenditures ng mga kandidato sakaling bayad ang mga ito.
Aminado si Jimenez na bagaman walang regulasyon laban sa mga U.N-official campaign outlet, may mga probisyon naman upang malayang matukoy ng poll body kung nagsisilbing campaign tools ang isang partikular na website o page.