Nagdeklara na ng dengue outbreak sa isang bayan sa Biliran sa Eastern Visayas.
Ito, ayon kay Kawayan Biliran Mayor Rodolfo Espina Sr. ay dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng naturang sakit sa lugar.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Christine Balasbas, bagaman marami nang gumaling sa mahigit 80 kaso sa naturang lugar ay 15 pa ang nananatiling nasa rural health unit.
Ipinag-utos na ng mga otoridad sa lugar ang malawakang paglilinis sa kapaligiran para puksain ang mga lamok na nagdudulot ng dengue.
Samantala, sa ngayon ay anim na ang naitatalang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue habang sumampa na sa mahigit 1,000 ang naitalang kaso ng dengue sa Eastern Visayas sa pagsisimula ng taon.