34 mula sa 62 senatorial candidates para sa May 13 midterm elections ang binalaan ng Commission on Elections dahil sa iligal na paglalagay ng mga campaign material sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ipinag-utos na ng komisyon sa 34 na kandidato ang pagbaklas sa kani-kanilang campaign materials.
Tatlong araw anya ang ibinigay nilang palugit sa mga nabanggit na kandidato upang tanggalin ang kanilang mga poster.
Sakaling hindi tumalim sa kautusan ang mga kandidato, aaksyunan naman ang COMELEC Legal Department.